
Isang araw magkasamang naglalakad si Rody at Mar patungong Panaderya. Pagpasok nila ay kumuha na agad ng 3 tinapay si Mar at itinago sa bulsa ng di namamalayan ng may ari sabay sabi kay Rody, “oh diba, ang talino ko, Nakakuha ako ng 3 tinapay ng hindi nalaman ng may ari, kaya di ko na kilangan pang magbayad.
Sabi naman ni Rody, “matalino ka na pala nyan? Panoorin mo ko:
Kinausap ni Rody ang may ari ng Panaderya at sinabing.. “bigyan mo ko ng isang tinapay at pakikitaan kita ng magic”, dahil interesado ang may ari na makakita ng magic, binigyan niya ng tinapay si Rody, kinain niya ito at humingi pa ng isa, kinain ulit at humingi ng isa pa.
Nagtaka na ang may ari ng panaderyahan at sinabing ano ginawa mo, Asan na ang magic? Tingnan mo ang bulsa ni Mar at nandoon ang tatlong tinapay na kinain ko. ?
—————————————————
#DilawanJokes
PinoyJokipedia.com
Pinoy Jokipedia Jokes at Katatawanan para sa mga Pinoy